November 7, 2005

Alright! Found the same station, Yey!
Am early - too early!! My shift starts at 9:00 AM and i arrived here at 7:00 AM. Masipag??!! Not! Sumasabay ako kay H when he goes to work to avoid the rush and traffic. We commute ng sabay hehehe. I guess it's better to be here early than be late. Since Oct. 30, schedule rotations took effect na. I've been blessed to get a 9Am to 6PM sched - normal na ang oras ko sa wakas - at least for the next three months. =)
I like being on the morning shift, specially the 9AM shift kasi nga I could sleep sa gabi and have more time with H. But sometimes though, I get bored. We don't get much calls specially around 3PM manila time. Early morning na kasi nyan sa states. My account deals with travel, so travel agent kami or travel specialist kung tawagin nila. I'm enjoying it so far kasi challenging. sari saring customers makakausap mo na iba iba ang problema so hindi ka talaga mabobore. Andyan yung pinalitan ng airline and schedule ng flight na binook nila so kelangan hanapan mo ng bagong schedule na pupuede sa pasahero, minsan naman, papalitan ng airline ang schedule pero pag may connecting flight, hay naku misconnect ang oras! So tatawag ka pa sa airline para ayusin. Meron namang nagbobook ng hotel pero pag dating nila sa hotel, ayaw silang ipacheck in kasi nagoverbook ang hotel. Nakakaloka paminsan kasi nga shempre, kahit naman ako pasahero o customer mabwibwiset ako dahil advance ko nga binook at nagbayad na ako tapos maiiba ang schedule o kaya naman e, andun na ako sa pupuntahan ko tas wala akong matutulugan. Challenging talaga! Kasi shempre kailangang i calm down mo ang customer mo. May mga nakakatuwang calls din naman na pag naaalala ko nawawala ang stress ko. Katulad nalang nitong isang call na to:
Customer: (Galit na galit) I only booked a flight, why did you guys charge me for a taxi?
Me:(checked the record pero wala talagang taxi o ground transportation na nakabook) Ma'am, where do you see on your confirmation email that a taxi was charged to your credit card?
Customer: It's here under the price of the flight.
Me: (tinignan ang record, nagmute at tumawa ng tumawa) Ma'am, what you see are the TAXES for the flight that you booked. You know, tax, like income tax?
Customer: Oh, (tumahimik) oh..sorry about that. Thank you.
at ito pa:
Me: can i get your name please?
Customer: (mexican sha) Juan.
Me: and your last name please?
Customer: can i just give you my email address so you can pull up my account?
Me: sure!
(binigay ang email address. At napull up ang account. Kaya naman pala ayaw ibigay ang last name nya dahil ang last name nya ay...tantananan.. GAGO! - hilarious talaga! )
Pag maraming calls nakakastress pero ang masarap dun di mo mapapansin ang oras. pag wala namang calls napapahinga ka pero madalas nakakaantok. Ang gulo ko no? ehehehe.
Maiba naman ako, di pa ako nakakabalik sa OB-GYNE. Alam ko dapat pero due to financial reasons e hindi pa ako makabalik. Promise ko sa sarili ko this month aayusin ko na. O sha, magsisimula na ang shift ko. Sana makablog ako ulit soon. =)

No comments:

Catching Fire!

Oooh! Another movie for me to watch out for! Catching Fire will come to theaters November 22, 2013!  Here's a sneak peek of the releas...